A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   A   »   APO Hiking Society Lyrics   »   Princesa Lyrics

APO Hiking Society - Princesa Lyrics

Font:      
Align:    
  • Tila may kumpas ang bawat hakbang
  • Natutong sumayaw sa sariling paraan
  • Sa bawat tugtog na alam
  • Hindi naman sa ako’y nagmamayabang
  • Kelan ma’y hindi pa natanggihan
  • Mahusay magdala tila napakagaan
  • Sa hangin parang lumulutang
  • Maraming kapareha na sa akin nagdaan
  • Pagkatapos ng tugtog nalilimutan
  • Ngunit ng makita siya sayawang ito
  • Nanlambot ang tuhod at naturete na pati paa ko.
  • Panaginip kita, mahal na prinsesa
  • Minsan sana’y makapareha
  • Ibibigay ko pati puso ko
  • Para lamang makasama ka
  • Makapareha ka, mahal na prinsesa
  • Dahan–dahan nilapitan ang dilag na ito
  • At mapormang isinayaw sa gitna
  • Umikot nang umikot at nakakahilo
  • Lahat ng tao’y tulala
  • Iisa ang kapareha sa buong magdamag
  • Di ko siya mapagod at hindi matagtag
  • Di ko maiwanan at hindi rin mabitawan
  • Tuloy-tuloy ang kapit
  • Hanggang sa mauwi na sa simbahan
  • Mula noong kami’y sa simbahan naglakad
  • Magkasama na sa araw at gabi
  • Mayrong mga ilang supling na ngayo’y nadagdag
  • Na sumasayaw na rin sa tabi…

  • Report error in lyric




    The Princesa lyrics by APO Hiking Society is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing APO Hiking Society Princesa Lyrics