A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   D   »   Davey Langit Lyrics   »   Bata Lyrics

Davey Langit - Bata Lyrics

Font:      
Align:    
  • Nais ko ang magbalik sa panahong
  • Pinapatulog pa ako
  • Ng nanay ko 'pag hapon
  • Kunwa-kunwaring iidlip
  • Pagkalipas ng ilang saglit
  • Ako'y tatakas na't makikipaglaro
  • Uuwi ka ng madungis
  • At basang-basa sa pawis
  • Papaliguan ka't pakakainin
  • Kahit na anong gawin
  • Di ka nila matitiis
  • Bago matulog may halik pang kay tamis
  • [Refrain]
  • Kay sarap lang talagang balikan
  • Ang malaya nating nakaraan
  • Kaya't sa aking pagidlip
  • Kahit dun man lang sa aking panaginip
  • [Chorus]
  • Gusto ko lamang magbalik
  • Kahit saglit, kahit lamang sandali
  • Sa aking pagkabata
  • Takasan ang problema
  • Dito muna magsaya
  • Ang hirap pa lang tumanda... haahaa
  • Magaling lang ako sa pagiging bata
  • Alam ko na
  • Kahit pa anong aking gawin
  • Hindi totoo ang time machine
  • Kailangan kong mabuhay pasulong
  • Di pwedeng paurong
  • Ganyan talaga ang buhay
  • Kapag pasan mo na rin pala ang daigdig
  • Di maiwasang mainggit
  • Sa naglalaro na bata
  • Na nagpapanggap nang mama
  • O di lang nila alam
  • Ganito pala kahirap tumanda
  • [Refrain]
  • Kay sarap lang talagang balikan
  • Ang malaya nating nakaraan
  • Kaya't sa aking pagidlip
  • Kahit dun man lang sa aking panaginip
  • [Chorus]
  • Gusto ko lamang magbalik
  • Kahit saglit, kahit lamang sandali
  • Sa aking pagkabata
  • Takasan ang problema
  • Dito muna magsaya
  • Ang hirap pa lang tumanda... haahaa
  • Magaling lang ako sa pagiging bata... haahaa
  • Ang hirap pa lang tumanda... haahaa
  • Magaling lang ako sa pagiging bata

  • Report error in lyric




    The Bata lyrics by Davey Langit is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Davey Langit Bata Lyrics