Gloc-9 - Diploma Lyrics
[Intro]Ang pangalan ko'y Aristotle PolliscoNag-aral sa Binangonan Elementary SchoolNagtapos sa mataas na paaralan ng Morong RizalNag-aral ng kolehiyo, nagtigilNagpatuloy ng dalawang taon ngunit hindi po ako nakatapos ng aking pag-aaralMula pa nung pagkabata ako ang syang kinukutsaSa tambayan ng mayayabang at may laman ang bulsaHabang ang mga katulad ko'y pinipilit na makaahonLaging laman ng mga tawanan kailan ba makakabangonSa mga panghuhusga na kanilang mga mataPinilit kong hindi lumuha sa harapan ng ibaAt ginamit ang mga pangit at kahit yan ang sinapitAy di ko mapapayagan tuluyan akong malaitAt maubusan ng lupang aking pwedeng tapakanAking pwedeng lakaran, aking pwedeng tamnanNg mga binhing sa kalaunan ay aking pwedeng maaniAt aking pwedeng masabi minsan ako ay naghariSa palasyo ng pangarap na aking inaasamWalang nakahadlang kahit na may pasan pasanSa bawat letrang sinulat halika ika'y sumamaSa kapirasong papel na tinuturing kong diplomaChorus:Siya si gloc-9 taga Binangonan RizalIsang makatang maririnig sa kahit saang lugarAt kahit 'di nakatapos ng pag-aaral halikaAng tula kong ito ang tinuturing kong diplomaIsang kapirasong papel na pinahiran ng tintaParang larawang ginuhit na ginamitan ng pintaNg isang pintor, na inalay ang bawat araw sa buhayUpang ang damdamin kanyang mailarawan ng tunayAt kulay na ang puhunan ay laging patak ng pawisAt ang kapalaran ay nakasaad sa mukha ng bayaning inihagisKara o krus ganyan ang buhay ng mga katulad naminMga salitang namulat binuhat sagad sa damdaminAt handang hanapin at hamakin ang nang masabi ko na akin angAraw na narinig ang mga sinulat kong salitangMusmus pa lamang ay dinadalanginMaranasan ang palakpakan kasabay ng hanginAyokong magtunog mayabang sa awitin na toPero sabihin mo sa akin kung sino pa sa larangan na toBukod sa taga Antipolong iniidolo koWala na sigurong sasabay sa awiting kong ito kasi[Repeat Chorus x4]