A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   H   »   Hambog Ng Sagpro Lyrics   »   Ermats -Hambog Ng Sagpro Lyrics

Hambog Ng Sagpro - Ermats -Hambog Ng Sagpro Lyrics

Font:      
Align:    
  • Ako ay anim na taon nung ako'y iniwanan mo
  • Kaya nung bata pa ako ikaw ay iniwasan ko
  • Kase ako'y may katanungan at ako'y nagtatampo
  • "wala na nga akong ama iniwan pa ng nanay ko?"
  • Sa eskwela pag magulang pinapupunta nila
  • Ako'y walang kasama dahil ako'y walang ama't ina
  • Bakit po? bat't iniwan nyo akong nagiisa?
  • Bat't ganon? bat'sila? andon ang ina nila?
  • Nung Ikaw ay umalis bakit di mo ko dinala
  • Alam mo ang pangalan ko pero di mo kilala
  • Dahil ang aking paglaki hindi mo nasubaybayan
  • Iniwan mo akong anghel ngayon ay may sungay na yan
  • Ilang kaarawan ko na ang nagdaan laging wala ka
  • Kung kaya't habang umeedad mas lalong lumala pa
  • Pero wag magaalala di masama aking loob
  • Bakit? ma pakinggan mo ang susunod
  • 2nd
  • Hindi mo ginusto noong ako ay naiwanan mo
  • Lahat ng binigay mo sakin ay pinaghirapan mo
  • Tanging inisip mo nalamang ay kinabukasan ko
  • Sarili mo hindi mo na inisip nilunasan mo
  • Ang ating buhay na mahirap kaya ika'y nagsikap
  • Sarap ng buhay ko ikaw naman ay naghihirap
  • Kaya nagtanong ako at bakit ba ko nagtampo?
  • "pwede ka namang maghirap basta sama mo ako"
  • Dahil ang buhay mo alam ko at aking nakabisa
  • Matagal ka nang hirap.tagal mo nang nagiisa
  • Ayokong dumating yung araw lahat ay huli na ma
  • Yung dapat kong ipadama hindi ko naipadama
  • Kaya hayaan mo ako hanggang ika'y nandito pa
  • Magsimula ng panibago ulitin sa umpisa
  • Alam mong puso ko'y manhid at bakal ang pagkasadya
  • Pero mahal kita ma hindi mo lang mahalata
  • 3rd
  • Hinahanap mo pa ang pagmamahal ng babae sa iba
  • Eh ang babae na tapat kung magmahal ay ang "ina"
  • Kahit madameng babae sa buhay mo iiwanan ka din nila
  • Pero ang yong inay ang syang babae na matitira
  • Dahil ang isang "inay" ay kayang maghintay
  • Magbago ang kanyang anak at di sya bibigay
  • Ngunit kanyang ibibgay lahat ng kayang ibigay
  • Kahit walang matira sa kanya walang problema kay inay
  • Ang galing galing nila no?
  • Kaya sana'y suklian natin sila kahit papano
  • Di usapan kung magkano ang usapan ay paano
  • Ipakita at ipadama sa kanya kung gaano
  • Mo sya kamahal at nagpapasalamat tayo
  • Sa pagmaamhal nilang walang talo laging panalo
  • Kung wala aking inay.walang "hambog ng sagpro"
  • Hanggang dito nalang dahil na iiyak na nga ko
  • 4th
  • Sa katulad kong anak ay dapat nga lang mainis
  • Pero ikaw ay nagtyaga at sa akin ay nagtiis
  • Kaya ako'y awang awa habang sayo'y nakatingin
  • Kahit walang kwentang anak pinilit mong intindihin
  • Lahat ay kaya mong gawin basta lamang para sakin
  • At patawad sa lahat sana ako ay patawarin
  • Pag ako ay namatay sa kapalarang malupet
  • Sa kabilang buhay maging nanay ko sana ikaw ulet
  • Dahil kahit hirap ka na sa tulad ko na pabigat
  • Magaan parin loob mo sakin kaya halika't
  • Pakinggan kanta ng anak mong suwail at pasaway
  • Ngunit tinanggap mong buo naging mabuti kang inay
  • Kahit ngayon ako mayroon ng dalawang anak
  • Kekwento ko sa kanila ang lola nyo ay nagpatak
  • Ng luhat.pawis at dugo at laging nasa tabi ko
  • Kaya salamat "ermats" ikaw kakampi ko

  • Report error in lyric




    Latest Hambog Ng Sagpro Lyrics

    The Ermats -Hambog Ng Sagpro lyrics by Hambog Ng Sagpro is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Hambog Ng Sagpro Ermats -Hambog Ng Sagpro Lyrics