A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   U   »   Up Dharma Down Lyrics   »   Sana Lyrics

Up Dharma Down - Sana Lyrics

Font:      
Align:    
  • Nilibot na ang buong mundo
  • Di pa rin ako nakukuntento
  • Makakahanap ng ipapalit
  • Nang walang babala
  • Lumipas ay nagbabalik pala
  • Nalilito na ako hindi na dapat gan'to
  • Nakaraan ay natapos at napagdaanan na
  • Bakit na sisindak pa sa t'wing naaalala
  • Matatauhan na wala ka na pala
  • Ako sila'y nandito na
  • Ikaw na lang ang kulang
  • Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang
  • Anong pait ang matamis at aking susubukan
  • Anong silbi ng narito
  • 'Di mo na kailangan
  • Hindi nga nagtagal ang pagpapanggap na 'to
  • Kaliwa at kanan harap at likod ano mang anggulo
  • Titigan ay bumibigay ako
  • Damdamin ay kay bigat
  • Naisip na ang lahat
  • Wala na ba talaga akong magagawa pa
  • Ako sila'y nandito na
  • Ikaw na lang ang kulang
  • Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang
  • Anong tamis ang mapait at aking iiwasan
  • Walang silbi ang narito
  • 'Di mo na kailangan
  • Wala na bang makakapantay at di na ba dapat pang maghintay
  • Ako lang ba ang nagkasala?
  • Kumakapit sa natitirang sana.
  • Kung babalik ka pa hanggang kailan kaya?
  • Ako dito mag aabang na magdutong na ang patlang
  • Ang kulang ay mapupunan wala nang makahahadlang
  • Wala na yatang hihigit sa pangungulila ko
  • Iba na bang nagbibigay ng mga kailangan mo?
  • Oh sana
  • Kay higpit ng kapit sa unan kagabi ko
  • Oh sana
  • Inaasam muling makatabi at mahalik sana

  • Report error in lyric




    The Sana lyrics by Up Dharma Down is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Up Dharma Down Sana Lyrics